Great LOVE STORY part 3

in #love8 years ago (edited)

20180219_211700_1.jpg

Previous part
Part 1: https://steemit.com/love/@alfren/great-love-story-part-1
Part 2: https://steemit.com/love/@alfren/great-love-story-part-2

continuation...
Lumaki ang mata sa tuwa ni luffy dahil nasilayan niyang muli si nami. Abot langit ang kanyang kagalakan. Agad nilapitan ni luffy si nami na talagang nakangiti at kinamusta niya ito. Saka sila sabay sabay umuwi kasama si nami at ang ate niya na si charlotte.

Nag taxi sila at sa harap nakaupo si luffy. Panay ang titig sa likod ni luffy dahil doon nakapwesto si nami. Everytime na lilingon si luffy sa likod ay nagtatanung naman si nami kung bakit siya lumilingon sa kanila. Pero sa loob loob ni luffy ay gusto nyang tumalon sa tuwa. Nagkwentuhan sila tungkol sa palawan kaya nacurious si luffy kung anu ang meron sa palawan.

Nakarating na ang taxi sa kanyang distinasyon na yun din ang lugar kung saan nanunuluyan si nami at ang ate niyang si charlotte. Pinapa stay pa ni nami si luffy ng kaunti upang sumabay na kumaen. Pero tumanggi na si luffy dahil nahihiya na siya. Nagpasalamat si nami kay luffy dahil tinupad ni luffy yung sinabi nya na susunduin nya siya.

Pag uwi ni luffy ay talagang nakompleto ang araw nya. Tuwang tuwa sila dahil lagi na naman niyang masisilayan si nami. Kinaumagahan ay maagang nagising si luffy. Excited siyang pumasok para ayain si nami na kumaen sa labas. Dahil sa sobrang mis na nya ito.

Pumunta si luffy sa pwesto nila nami at doon naabutan nya sina nami, carot, tashigi at robin. Inaya agad ni luffy si nami na kumaen sa labas at agad namang pumayag si nami. Natuwa si luffy sa sagot ni nami.

Noong oras na yun ay napansin ni luffy na parang malungkot si nami. Pero natakot si luffy na tanungin kung bakit. At lumipas ang ilang araw.

Dumating ang araw ng kanyang hinihintay, ang makasamang kumaen si nami sa labas. Tinanung ni luffy si nami kung ready na siya. Subalit muling sinabi ni nami na next time na lang.

Nakangiti pa rin si luffy at sinabing "ok may next time pa naman" pero sa loob loob nya ay naghalo halo na ang tampo, lungkot at pumaso sa isip nya na wala siyang pag asa. Agad na umalis din si luffy pero hindi nya ipinaramdam na nalulungkot siya. Kinagabihan, nagtext si nami kay luffy na humihingi ng pasensya. Ang sabi ni luffy "ok lang".

Lumipas ang ilang araw, nalaman na lang ni luffy na kailangan umuwi ni nami sa palawan ulit dahil nababagabag ang kanyang puso sa sitwasyon ng kanyang magulang. Doon nalaman ni luffy na malubha na pala ang sitwasyon ng magulang ni nami. May sakit ito at kailangan maipagamot sa hospital.

Kasamang uuwi ni nami ang kanyang mga ate. Hindi na naihatid pa ni luffy si nami.

Noong nasa palawan na si nami, palaging tinitext ni luffy si nami kung kamusta na ang kanyang magulang. Nag aalala din si luffy dahil alam nya kung gaanu kasakit ang mawalan ng magulang. Lagi rin kinakamusta ni luffy si nami kung ok lang ba siya.

Nagtagal ang panahon, sobrang mis na ni luffy si nami. Lagi pinagpipray ni luffy na sana gunaling na ang magulang ni nami. Sinabi pa ni luffy na sa susunod na taon ay ipapasyal niya ang magulang ni nami. Subalit nakareceive siya ng text galing kay nami at sinabing baka doon na lang siya magtrabaho at tumira.

Bigla biglang gumuhit ang lungkod sa mukha ni luffy at sinabing "anuman ang desisyon mo, suportahan ko". Patuloy pa din lagi kinakamusta ni luffy si nami kahit nawawalan na ito ng pag asa. Pinayuhan nina carot, tashigi at robin si luffy na puntahan nya sa palawan si nami.

Subalit napanawan na ng pag asa si luffy. Lumipas ang ilang linggo ay ibinaling na lang ni luffy ang kanyang atensyon sa kanyang mga project hanggang sa nakita niya si boa.

Pinilit niyang idinivert kay boa ang kanyang nararamdaman kay nami. Dahil nawalan na ito ng pag asa kay nami.

....to be continued

Part 4 will be posted on March 3, 2018
Yung mga di pa nakasamang characters hintayin nyu na lang.

Picture3.png

Please follow and up-vote me on steemit @alfren.
You can follow me on twitter @SibulAlfren and
on facebook https://www.facebook.com/eyelefareen/

Sort:  

Congratulations @alfren! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Keep on writing!

Thanks partner

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.092
BTC 63435.65
ETH 1784.66
USDT 1.00
SBD 0.39