Buwan
Hello to all steemians kamusta napo kayo?sana ok lang kayo at sana malakas at malusog kayo.
Ang ganda ng buwan , nakakaaliw at nakakaaliwas.ano kaya ang pakiramdam kung maging buwan , masaya kaya maging buwan ? Sa tingin ko maganda maging buwan kasi lahat ng tao ay titingin sa buwan walang halong husga at lahat sila ay masaya habang ang mga mata nila ay nasa buwan.
Maging tahimik kaya ang buhay ko pag naging buwan na ako? O mas lalong gugulo? Nakakalito pero gusto ko , gusto ko maging buwan kasi kahit kalahati nalang ay maliwanag parin hindi kagaya ngayon kalahati nalang madilim parin. Pansin ko lang bakit may paghalintulad ng tao sa buwan gaya ng minsan maliwanag at minsan madilim, maliwanag kasi masaya siya wala siyang problemang niisip pero yung madilim malungkot, nasasaktan, nahihirapan, at madaming problemang iniisip sa madaling salita ay kahit gaano man ito kaliwanag ay may nakatagong dilim sa likod nito.
By: @agentlin423